liham

Aking Ama,

madami pang dapat sabihin. madaming dapat isulat. madaming dapat gawin.

pero gusto simulan na magpasalamat sa milyong milyon biyaya Mo sa akin. salamat sa pagmamahal, pagaaruga, pagpapatawad, pagtanggap at madami pang iba.hindi kasya sa isang liham lahat ng pwede kong ipagpasalamat sa Iyo. napakadaming dahilan upang mgpasalamat. napakadaming papuri na sa Iyo lamang nararapat. hindi ko alam kung saan ako pupulutin ko hindi mo ko minahal. hiram mo lang sakin ang buhay ko, pero minsan nababalewala ko pa ung paghiram na un. pero maraming maraming salamat na sa kabila ng mga pagkukulang ko ay ibinigay mo pa din sa akin ang lahat.

Ikaw ang buhay ko.Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Napakabuti mo. at alam ko na sa dadating na taon, Ikaw pa din ung dahilan ng lahat.

mahal na mahal kita Panginoon. lubos ang saya ng puso ko dahil alam ko na andyan Ka at kahit kailan hindi mo Ko iiwan, hindi Mo kami iiwan. inaalay ko muli sa Iyo ang buhay ko sa 2009, ang buhay ko at ang mga plano ko sa kasalukuyan at sa hinaharap. Samahan mo ko dahil hindi ko to kaya ng wala Ka. Hindi namin Kaya to kung wala ka.

nagmamahal, reason x

[2.Jan.2009 | 1:30am]

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s